Random na tanong sa poll
I-tap ang button para sa isang random na tanong sa poll na may mga sagot, mula sa 238 poll sa 7 listahan. Pumili ng listahan para paliitin ang pagpipilian, saka simulan ang poll sa QuickPoll o kopyahin sa Messenger, Facebook o WhatsApp.
Dito lalabas ang poll mo.
Paano ito gumagana
Pumipili ang generator ng isang poll nang random mula sa mga listahan sa site na ito, at hindi nito ipinapakita ang parehong poll nang dalawang beses na sunod. Walang ginagawa on the spot: isinulat at sinuri ng QuickPoll team ang bawat tanong at sagot, kaya ligtas itong i-post sa GC ng pamilya, klase o trabaho.
Gumagana ito sa browser mo at walang sine-save. Kung naka-off ang JavaScript, tingnan na lang ang buong listahan.
Ilang pwedeng subukan
1.Ano ang ginagawa mo kapag may kumaway sa'yo pero hindi mo siya kilala?
- Kumakaway din ako
- Kunwari hindi ko nakita
- Ngingiti na lang
- Titingin ako sa likod ko
2.Mas pipiliin mo bang laging malamig ang kape mo o laging mainit ang softdrinks mo?
- Malamig na kape
- Mainit na softdrinks
3.Halo-halo o mais con yelo?
- Halo-halo
- Mais con yelo
4.Nilalagyan mo ba ng ketchup ang itlog mo?
- Oo
- Hindi
- Hindi ko pa nasusubukan
5.Sino ang mag-aayos ng susunod na gala?
- Kung sino nag-aya last time
- Kung sino pinaka-free
- Bunutan na lang
- Ako na, sige
6.Sino sa atin ang mas magaling magluto?
- Ako
- Ikaw
- Pareho tayo
- Pareho tayong delivery
7.Ano ang pinakamadalas mong gawin kapag day off?
- Matulog nang matagal
- Lumabas kasama ang pamilya
- Manood ng series
- Mag-ayos ng bahay
Mga madalas itanong
Pwede bang nakakatawa lang o oo o hindi lang ang lumabas?
Oo. Pumili ng listahan sa menu sa itaas at doon lang kukuha ang generator.
Pwede ko bang baguhin ang poll bago ipadala?
Oo. Bubuksan ng "Simulan ang poll na ito" ang QuickPoll na nakalagay na ang tanong at mga sagot, at pwede mong baguhin, dagdagan o tanggalin ang kahit ano bago i-share ang link.
Libre ba ito?
Oo, at walang kailangang account para bumoto sa isang QuickPoll link.
Mayroon din sa: English · Español · Português · Deutsch · Français · Italiano · Русский · 한국어 · Bahasa Indonesia · हिन्दी · العربية · አማርኛ